|
Ang
Tanda ng Krus
Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.
Amen.
Ama
Namin
Ama namin, sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan mo,
mapasaamin ang kaharian mo;
sundin ang loob mo
dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot
sa tukso at iadya mo kami
sa lahat ng masasama. Amen.
Aba
Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria
napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos
ay sumasaiyo;
bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat.
at pinagpala naman
ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon
at kung kami'y mamamatay. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama,
at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat,
na Maylikha ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao;
nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang Makapangyarihan sa lahat;
at doon magmumulang paririto't maghuhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal;
sa kapatawaran ng mga kasa-lanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Halina
Espiritu Santo
Halina Espiritu Santo,
Ikaw ang unang handog ni Jesus
nang muli siyang mabuhay.
Ikaw ang sinugo Niya
upang gabayan kami
sa aming pang-araw-araw
na pamumuhay bilang mga alagad niya.
Halina sa amin, Espiritung banal.
Punuin mo kami ng Iyong liwanag,
pagmamahal at lakas
upang isagawa namin
ang mga balak ni Jesus
para sa aming kapaligiran.
Pumasok ka sa puso ng lahat
upang maunawaan nila
ang kanilang mga tawag
bilang Kristiyano
at nang sa gayon
ay sabay-sabay naming maitayo
ang Kaharian ni Jesus.
Amen.
Aba
Po Santa Mariang Reyna
Aba Po Santa Mariang Reyna,
Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan,
pag-asa't katamisan;
aba pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw na anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin
sa aming pagtangis dini
sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos
yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin
ang iyong anak na si Jesus.
O magiliw, mahabagin,
matamis na Birheng Maria.
Angelus
V. Binati ng Anghel ng Panginoon
si Maria
R. At siya'y naglihi, lalang
ng Espiritu Santo.
Aba Ginoong Maria
V. Narito ang alipin ng Panginoon.
R. Maganap nawa sa akin ayon
sa wika mo.
Aba Ginoong Maria
V. At ang Verbo
ay nagkatawang tao.
R. At nakipanayam sa atin.
Aba Ginoong Maria
V. Ipanalangin mo kami
Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako
ni Kristo.
Manalangin
Tayo:
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong
mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala
namin ang pagkakatawang tao ni Kristong Anak mo, pakundangan sa mahal
na pasyon at pagkamatay niya sa krus, pakinabangan namin ang biyaya
ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian ng Langit. Sa pamamagitan
din ni Kristong Panginoon namin. Amen.
O
Reyna ng Langit
(Dinirasal tuwing Pasko ng Pagkabuhay)
V. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!
R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan.
Aleluya!
V. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!
R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.
V. Matuwa ka at magalak,
O Birheng Maria, Aleluya!
R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon.
Aleluya!
Manalangin Tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si
Jesukristong Panginoon namin, ay minarapat mong paligayahin ang mundo.
Hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina
ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan
din ni Kristong Panginoon namin. Amen.
Luwalhati
sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon
at magpakailan man at magpasawalang hanggan. Amen.
Pagsisisi
O Diyos ko, ikinalulungkot ko
nang buong puso
ang pagkakasala ko sa iyo.
Kinasusuklaman ko
ang lahat kong kasalanan
dahil sa takot kong mawala sa akin
ang kaharian ng langit
at dahil sa takot ko
sa hirap ng impiyerno,
ngunit lalo pa't ang kasalanan
ay nakakasakit sa kalooban mo,
Diyos na walang hanggan
ang kabutihan at nararapat
na ibigin nang walang katapusan.
Matibay akong nagtitika
na ikukumpisal ko
ang aking mga kasalanan,
tutuparin ang parusang hatol
at sa tulong ng iyong biyaya
ay magbabagong buhay.
Amen.
Panalangin
sa Umaga
(Paggising sa umaga, purihin at pasalamatan ang Diyos para sa buhay
at bagong pag-asa na ipinagkaloob niya sa atin; at ialay sa kanya ang
ating buong araw.)
Sa
ngalan ng Ama, at ng Anak,
at ng Espiritu Santo. Amen.
Diyos
ko, iniibig kita at sinasamba
nang buong puso ko at kaluluwa.
Nagpapasalamat ako
sa mga biyayang ibinigay mo
sa akin lalung-lalo na ang paglalang mo sa akin, ang biyayang ipanganak
ako na isang Kristiyano
at ang pagbibigay mo sa akin
ng bagong buhay sa araw na ito.
Paglilingkuran kita ngayon
at itulot mong tuparin ko
ang lahat kong gawain
ayon sa iyong kalooban.
Punuin mo ako ng iyong mga biyaya sampu ng aking mga mahal
sa buhay. Amen.
Ama
Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
Panalangin
sa Gabi
(Bago matulog ay pasalamatan natin ang Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob
sa atin sa buong maghapon.)
Inihahandog
ko sa iyo, O Diyos ko,
ang lahat ng aking panimdim,
wika, gawa at mga tiisin
at isinasamong pagkalooban mo ako ng iyong grasya,
upang huwag akong magkasala
sa iyo sa gabing ito,
at nang ako ay makapaglingkod
sa iyo nang tapat at masunod ka
sa lahat-lahat ng bagay.
Ama
Namin
Aba Ginoong Maria
Luwalhati
|