|
Oktubre
1
Miyerkules
Ika-26
na Linggo ng Taon
Teresita ni Jesus
Unang
Pagbasa: Job 9:1-12, 14-16
Ebanghelyo:
Lc 9:57-62
Habang naglalakad si Jesus at ang kanyang mga alagad, may nagsabi kay
Jesus: "Susunod ako sa iyo saan ka man pumunta." At sinabi sa
kanya ni Jesus: "May lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad
ang mga ibon; ang Anak ng Tao nama'y wala man lang mahiligan ng kanyang
ulo." At sinabi naman niya sa isa: "Sumunod ka sa akin."
Sumagot naman ito: "Pauwiin mo ako para mailibing ko muna ang aking
ama." Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus: "Hayaan mong ilibing
ng mga patay ang kani-lang mga patay; humayo ka naman at ipangaral ang
kaharian ng Diyos." Sinabi naman ng isa pa: "Susunod ako sa
iyo, Panginoon pero pauwiin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga
kasambahay." Sinabi sa kanya ni Jesus: "Hindi bagay sa kaharian
ng Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran."
Pagninilay-nilay
Lumaki siyang Aglipay pero nang makilala niya sina Monsenyor
Balquiedra at Sister Connie ng Diyosesis ng Lucena, nagpabinyag siyang
Katoliko, at pagkaraan ng dalawang taon, nakilala naman niya si Fr. Mañalac
ng Diyosesis ng San Pablo, na siyang naging daan para makasama niya sa
pagsisimula ng misyon sa Macau si Arnold na ngayo'y isang paring Claretiano.
Kung ilang taon din siya sa Macau bilang lay missionary. At pagkatapos
ng labintatlong taon, iniwan niya ang kanyang trabaho sa Macau at pamilya
sa Pilipinas para maging paring Claretiano. At ngayon nasa Central America
si Br. Rey para sa kanyang formation bilang Claretiano.
balik
calendario
Oktubre
2
Huwebes
Ika-26
na Linggo ng Taon
Mga Anghel na Tagatanod
Unang
Pagbasa: Ex 23:20-23
Ebanghelyo: Mt 18:1-5, 10
Nang panahong
iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at tinanong nila siya: "Sino
ang mas una sa kaharian ng Langit?"
Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at
sinabi: "Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at
nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian
ng Langit. Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki
sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa
aking pangalan ay tumatanggap sa akin.
"Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang
sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang
mga anghel sa Langit."
Pagninilay-nilay
Iyon ang una kong labas ng Pilipinas at nagpunta ako sa Venezuela para
dalawin ang mga Little Brothers of the Gospel pero hindi ko napansin na
post office box pala sa Caracas ang address na hawak ko kaya wala akong
ibang magagawa kundi ang isa pang address nila ang puntahan. Nasa bundok
ang lugar na iyon: apat na oras sa bus ang layo mula Caracas, isang oras
sa collective taxi, at kalahating oras na makikisakay sa trak paahon sa
bundok. At Kastila ang salita ng mga tao. Pero hindi ako nahirapan dahil
sa bawat bahagi ng biyahe, may mga taong padala ng Diyos na parang mga
anghel. At nang makisakay ako sa trak paahon sa bundok, isang taga-Venezuela
na nakapunta na dito sa atin ang isa sa mga nakasakay!
balik
calendario
Oktubre
3
Biyernes
Ika-26
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Job 38:1, 12-21; 40:3-5
Ebanghelyo: Lc 10:13-16
Sinabi ni
Jesus, "Sawimpalad ka, Corazin! Sawimpalad ka, Betsaida! Kung sa
Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana
silang nagdamit-sako at naupo sa abo at nakapagbalik-loob. Kaya magaan
pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng paghatol. At ikaw
naman, Capernaum, dadakilain ka kaya hanggang langit? Hindi! Ibubulid
ka sa impiyerno!
"Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang di-tumatanggap
sa inyo ay di-tumatanggap sa akin. At ang di-tumatanggap sa akin ay di
tumanggap sa nagsugo sa akin."
Pagninilay-nilay
Madalas nating naiisip na sayang at hindi tayo nabuhay noong panahon
ni Jesus para sana nakita natin siya at ang kanyang mga himala. Iniisip
din natin na kung tayo ang mga tao noon, hindi sana siya ipinako sa krus
dahil tiyak na kikilalanin natin siya bilang Mesiyas at Panginoon. Madaling
sabihin ngayon pero bakit ang nagdaang panahon pa ang kailangan nating
puntahan para makilala si Jesus? Hindi ba't patuloy na dumarating ang
Panginoon sa ating piling kahit na sa kasalukuyang panahon? Pero ganito
ang tanong ng marami sa atin: "Kailan ka dumating at hindi namin
nakilala?" At kung isa ka sa ganito ang tanong, hindi mo rin nakilala
ang Panginoon kahit na dumating siya ngayon.
balik
calendario
Oktubre
4
Sabado
Ika-26
na Linggo ng Taon
Francisco ng Asis
Unang
Pagbasa: Job 42:1-3, 5-6, 12-17
Ebanghelyo: Lc 10:17-24
Tuwang-tuwang
nagbalik ang Pitumpu't da-lawa at ang sabi: "Panginoon, mga demonyo
ma'y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan." Sinabi naman ni Jesus:
"Nakita kong bumagsak na parang kidlat si Satanas mula sa langit.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang yuma-pak sa mga ahas at alakdan.
Masusupil ninyo ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at wa-lang anumang
makapipinsala sa inyo. Subalit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa
inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa langit ang inyong mga
pangalan."
Nang sandaling iyo'y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at
sinabi niya: "Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil
inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat
mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud-lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala
sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala kung sino ang Anak
kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing
pag-bunyagan ng Anak."
Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang
sarilinan: "Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita.
Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang
inyong nakikita pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig
pero hindi nila narinig."
Pagninilay-nilay
Pinakapopular na santo si San Francisco ng Assisi at hindi lamang mga
Katoliko ang kumikilala sa kanya kundi pati ang mga di-Katoliko at mga
di-Kristiyano. Mag-iisanlibong taon na mula nang mabuhay siya pero nananatili
pa ring huwaran ng mga Kristiyano ang pagsunod niya kay Jesus.
Nabuhay siya nang simple at pobre sa materyal na bagay, bilang kapatid
ng lahat, pati na ni Kapatid Kamatayan na pinatuloy niya sa wakas ng kanyang
buhay. Sa kanyang pagsunod sa Ebanghelyo, nadiskubre niya kung paano maging
hamak at maliit na bata sa kaharian ng Diyos.
Panginoon, kasangkapanin mo kami para sa iyong kapayapaan.
balik
calendario
Oktubre
5
Linggo
Ika-27
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Is 5:1-7
Nais kong
awitin para sa aking mahal ang awit ng pag-ibig tungkol sa kanyang ubasan.
Sa matabang libis ng burol, may ubasan ang aking mahal. Hinukay niya iyon
at inalisan ng bato, at tinamnan ng pinakamahusay na mga sanga. Nagtayo
siya roon ng bantayan, at humukay ng pisaan ng ubas.
Umasa siyang aani ng ubas, pero wala-mapaklang ubas lamang! Halikayo,
mga taga-Jerusalem, at mga kalalakihan ng Juda, hatulan ninyo kami ngayon
ng aking ubasan. Ano pa ang puwede kong gawin na di ko ginawa sa aking
ubasan?
Umasa akong aani ng ubas, pero wala-mapaklang ubas lamang! Sasabihin ko
sa inyo ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan: aalisin ko ang bakod niyon,
at iyo'y susunugin; gigibain ko ang pader niyon at iyo'y aapak-apakan.
Slm
80:9, 12, 13-14, 15-16, 19-20
Ubasan ng Panginoon ang sambahayan ng Israel.
Ikalawang
Pagbasa: Fil 4:6-9
Kaya huwag
kayong mabalisa; sa halip ipakita ninyo sa Diyos ang lahat ninyong mga
hinihingi sa panalangin at dasal na taglay ang pagpapasalamat. Sa gayon
ang kapayapaan ng Diyos, na higit pa sa maiisip ay mag-iingat sa inyong
mga puso at isipan kay Kristo Jesus. Bukod dito, mga kapatid, piliin ninyo
ang lahat ng totoo, dakila, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig at marangal,
ang anumang dapat hangaan at purihin. Isagawa ninyo ang inyong natutuhan
at natanggap, ang narinig at nakita ninyo sa akin. At sasainyo ang Diyos
na mapayapa.
Ebanghelyo:
Mt 21:33-43
Makinig kayo sa isa pang halimbawa: May isang may-ari ng bahay na nagtanim
ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas,
at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka
at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta
ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang
kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang
mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan.
Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon din ang
ginawa ng mga magsasaka sa kanila.
Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang
'Igagalang nila ang aking anak.' Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang
anak, inisip nilang 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin
ang kanyang mana.' Kaya sinunggaban nila siya, at pinalayas sa ubasan
at pinatay.
Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?"
Sinabi nila sa kanya: "Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon;
pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang
magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan."
At sumagot si Jesus: "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? 'Naging
panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon;
at kahanga-hanga ang ating nakita.' Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin
sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago
nito."
Pagninilay-nilay
Makinig kayo sa isa pang halimbawa: May isang may-ari ng bahay na nagtanim
ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas,
at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka
at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta
ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang
kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang
mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan.
Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon din ang
ginawa ng mga magsasaka sa kanila.
Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang
'Igagalang nila ang aking anak.' Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang
anak, inisip nilang 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin
ang kanyang mana.' Kaya sinunggaban nila siya, at pinalayas sa ubasan
at pinatay.
Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?"
Sinabi nila sa kanya: "Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon;
pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang
magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan."
At sumagot si Jesus: "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? 'Naging
panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon;
at kahanga-hanga ang ating nakita.' Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin
sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago
nito."
balik
calendario
Oktubre
6
Lunes
Ika-27
na Linggo ng Taon
Bruno
Unang
Pagbasa: Gal 1:6-12
Ebanghelyo: Lc 10:25-37
May tumindig na guro ng Batas para subukin si Jesus. Sinabi niya: "Guro,
ano ang gagawin ko para makamit ang buhay na walang hanggan?" Sumagot
sa kanya si Jesus: "Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito
naiintindihan?" Suma-got ang guro ng Batas: "Mamahalin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang
buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin
mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."
Noo'y sinabi ni Jesus sa kanya: "Tama ang sagot mo. Gawin mo ito
at mabubuhay ka." Pero gustong mangatwiran ng guro ng Batas kaya
sinabi niya kay Jesus: "At sino naman ang aking kapwa?" Sinagot
siya ni Jesus: "May taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico
at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at
binugbog at saka iniwang halos patay na. Nagkataon namang may paring pababa
rin sa daang iyon. Pagkakita sa kanya, lumihis ito ng daan. Gayundin naman,
may Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya'y lumihis din
ito ng daan.
Pero may Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kinaroroonan niya;
pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. Kayat lumapit ito, binuhusan
ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang
tao sa sarili niyang hayop at dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan.
Kinabukasan, dumukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari
ng bahay-panuluyan at sinabi: 'Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anumang
karagdagang gastos pagbalik ko'."
At sinabi ni Jesus: "Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang naging
kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tuli-san?" Sagot ng guro:
"Ang nagdalang-habag sa kanya." Kaya sinabi ni Jesus sa kanya:
"Humayo ka't ganoon din ang gawin."
Pagninilay-nilay
Naglalakad lang ang mga tao mula sa hangganan ng Macau papuntang Gongbei,
na siyang hangganan ng China. Laging puno ng tao ang lugar na iyon dahil
maraming mga taga-Macau ang tumatawid para mamalengke, maggudtaym o mamasyal.
At dahil maraming tao, marami ring mandurukot. Kadalasa'y mga bata silang
sumusunod sa mga taong walang malay na sila ang plano nilang biktimahin.
Unti-unti nilang binubuksan ang bag na nasa likod ng kanilang biktima,
nang hindi namamalayan ng mga iyon. Kitang-kita naman ng ibang mga tao
ang kanilang ginagawa, pero wala ni isa man ang naglalakas-loob na sabihan
ang binibiktima na may mandurukot na sumusunod sa kanya.
balik
calendario
Oktubre
7
Martes
Ika-27
na Linggo ng Taon
Mahal na Birheng Maria ng Rosaryo
Unang
Pagbasa: Gal 1:13-24
Ebanghelyo: Lc 10:38-42
Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy
siya ng isang babaeng nagngangalang Marta. May kapatid siyang babae na
tinatawag na Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon at nakikinig
sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya
lumapit siya at sinabi: "Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan
ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman
sa kanya na tulungan ako."
Sumagot sa kanya ang Panginoon: "Marta, Marta, abala ka't balisa
sa maraming bagay; isa lang naman ang kailangan. Pinili nga ni Maria ang
mainam na bahagi na hindi kukunin sa kanya."
Pagninilay-nilay
Noong maliliit pa kami, malaking handaan taun-taon ang piyesta ng aming
bayan. Buong bisperas na paghahanda at pagluluto ng iba't ibang putahe
para sa araw ng kapistahan, lalo na kung patay-baboy. May dinuguan, adobo,
asado, menudo, pininyahang manok, pastel, lumpia, biringhi, gulaman, at
kung anu-ano pang espesyal na pagkain. Bising-bisi ang lahat sa paghahanda
at tuloy pa rin ang pagluluto hanggang sa araw ng piyesta. Kaya naman
wala nang panahong magsimba ang mga tao dahil abalang-abala sila.
Hindi lamang paghahanda ng pagkain ang pagpipiyesta kundi araw din ito
ng pasasalamat sa Diyos.
balik
calendario
Oktubre
8
Miyerkules
Ika-27
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Gal 2:1-2, 7-14
Ebanghelyo:
Lc 11:1-4
Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya'y
sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: "Panginoon, turuan
mo kaming manalangin kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad."
At sinabi ni Jesus sa kanila: "Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo:
Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, bigyan mo kami
araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, pa-tawarin mo kami sa
aming mga sala; tingnan mo't pinatatawad din namin ang lahat ng may utang
sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso."
Pagninilay-nilay
Humanap ka ng tahimik at komportableng lugar. Maupo, pumikit at magrelax.
Ipatong mo ang iyong mga kamay sa iyong mga hita; nakatihaya ang mga palad.
Naririnig mo ang ingay sa paligid pero hindi para bigyang-pansin. Hayaan
mo lang. Pakiramdaman mo ang iyong pagkakaupo.
Pagdikitin mo ngayon ang iyong hinlalaki at hintuturo. Pakiramdaman mo
ang pagkakadikit nito. Ang Diyos Ama ang hinlalaki at ikaw naman ang hintuturo.
Pakiramdaman mo na may buhay ka dahil idinikit ng Ama ang kanyang sarili
sa iyo. Huwag mag-isip kundi makiramdam. Manatili sa damdaming ito sa
loob ng 15 minuto o hanggang gusto mo.
balik
calendario
Oktubre
9
Huwebes
Ika-27
na Linggo ng Taon
Dionisio at mga Kasama, Juan Leonardo
Unang
Pagbasa: Gal 3:1-5
Ebanghelyo: Lc 11:5-13
Sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad, "Ipalagay nating may kaibigan ang isa
sa inyo at pinuntahan mo siya sa hatinggabi at sinabi: 'Kaibigan, pahiram
nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng
isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.' At sasagutin ka siguro
ng nasa loob: 'Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at
nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo para bigyan
ka.' Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon para magbigay dahil
sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin siya at ibibigay sa iyo ang lahat
mong kailangan dahil sa pagpupumilit sa kanya.
"Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo'y bibigyan, maghanap at
matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga
ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbubuksan
ang kumakatok.
"Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda
at hindi ahas ang hinihingi nito? Sino ang magbibigay ng alakdan kung
itlog ang hinihingi? Kaya kung kayo mang masasama'y marunong magbigay
ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa
langit? Tiyak na ibibigay niya ang banal na Espiritu sa mga hihingi sa
kanya."
Pagninilay-nilay
May pinagbigyan ka na bang humihingi sa iyo dahil sa inis? Napakakulit
nila at paulit-ulit na lumalapit sa iyo para sa kanilang pakay. At para
matigil na lamang, wala kang ibang magagawa kundi pagbigyan sila.
Kung sa kabila ng ating pagkainis ay napipilitan tayong pagbigyan at pagmagandahang-loob
ang nakikiusap sa atin, gaano pa ang Diyos na pawang kagandahang-loob.
Hindi ka magdadalawang-salita na ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang hinihiling
mo sa kanya.
Walang anumang pagkainis sa Diyos kayat manalig tayo sa kanyang kagandahang-loob.
balik
calendario
Oktubre
10
Biyernes
Ika-27
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Gal 3:7-14
Ebanghelyo: Lc 11:15-26
Nang makapagpalayas
si Jesus ng demonyo, sinabi ng ilan sa mga tao, "Pinalalayas niya
ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo." Gusto
naman ng iba na subukin si Jesus at humingi sila sa kanya ng isang tanda
galing sa langit.
Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila: "Mabubuwag
ang bawat kahariang nagkakahati-hati at magigiba roon ang mga sambahayan.
Ngayon, kung nagkakahati-hati si Satanas, paano magtatagal ang kanyang
kaharian? Di nga ba't sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng mga demonyo
sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nagpapalayas
ng mga demonyo, paano naman napalalayas ng inyong mga kaanib ang mga ito?
Sila mismo ang nararapat sumagot sa inyo.
"Sa daliri ng Diyos ako nagpapalayas ng mga demonyo kaya sumapit
na sa inyo ang kaharian ng Diyos. Kung sandatahang binabantayan ni Malakas
ang kanyang palasyo, hindi magagambala ang kanyang mga pag-aari. Pero
kung salakayin siya ng mas makapangyarihan sa kanya at talunin siya, maaagaw
nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang
mga ari-arian.
"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi nagtitipong
kasama ko ay nagpapangalat.
"Kapag lumabas sa tao ang maruming espiritu, nagpapalabuy-laboy ito
sa mga lugar na walang tubig sa paghahanap ng pahingahan. Pero wala siyang
natatagpuan at sinasabi niya: 'Babalik ako sa inalisan kong tirahan.'
Pagdating niya, natatagpuan niya ito na nawalisan na at maayos pa. Kaya
naghahanap siya at nagsasama ng pito pang espiritung mas masama pa kaysa
kanya; pumapasok ang mga ito at doon tumitira. Kaya mas masama ang huling
kalagayan ng taong iyon kaysa dati."
Pagninilay-nilay
Larawan ng kapangyarihan ng Diyos ang mga katagang "sa daliri
ng Diyos." Hindi ito literal na daliri ng Diyos kundi ang lakas at
kapangyarihan ng Diyos ang tinutukoy nito.
Hindi lamang sa malalaking himala gumagawa ang daliri ng Diyos kundi maging
sa karaniwang takbo ng ating buhay sa araw-araw. At makikita natin na
ang Diyos nga ang gumagawa sa ating buhay kung magiging mulat ang ating
mga mata at kalooban sa pagmamagandang-loob ng Diyos.
Imulat mo, Panginoon, ang aming mga mata at buksan ang aming kalooban
upang makita kang patuloy na gumagawa sa aming buhay.
balik
calendario
Oktubre
11
Sabado
Ika-27
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Gal 3:22-29
Ebanghelyo: Lc 11:27-28
Habang nagsasalita
pa si Jesus, may babae mula sa dami ng tao na malakas na nagsabi sa kanya:
"Mapalad ang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa
iyo." Ngunit sumagot si Jesus: "Kaya talagang mapalad ang mga
nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito."
Pagninilay-nilay
Maria, boses mo ang unang narinig ni Jesus habang nasa sinapupunan
mo siya. Ikaw ang naging Tahanan ng Diyos sa daigdig at sa iyo rin nagmula
ang katawan ng kanyang pagkatao. Sa pagbabalita ng anghel sa iyo, dininig
mo at pinatuloy ang Salitang inialok sa iyo ng Diyos. Mapalad ka, O Ina
ng Diyos, dahil dininig mo at tinupad ang Salita ng Diyos.
Turuan mo kaming makinig din sa kanyang Salita nang buong puso. Maipagpatuloy
nawa namin at madala sa aming buhay ang Salita upang maisilang namin siyang
muli. Akayin mo kami sa matuwid na landas ng pagsunod sa iyong Anak, na
si Jesus.
balik
calendario
Oktubre
12
Linggo
Ika-28
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Is 25:6-10a
Sa bundok
na ito ihahanda ni Yawe ng mga Hukbo ang isang piging para sa lahat ng
bayan sagana sa pagkain, pili ang alak.
Sa bundok na ito niya sisirain ang belo ng pagluluksa ng lahat ng bayan,
ang talukbong na bumabalot sa lahat ng bansa, at wawasakin niya ang Kamatayan
mag-pakailanman.
Papahirin ni Yaweng Panginoon ang luha sa lahat ng mukha, papawiin niya
ang kahihiyan ng kanyang bayan at ng buong daigdig-Ito ang sabi ni Yawe.
Sa araw na iyon, sasabihin nila: "Ito nga ang aming Diyos na aming
hinihintay na sa ami'y magliligtas; ito si Yawe na ating inaasahan.
Magalak tayo ngayon at magsaya sa kanyang pagliligtas sapagkat sa bundok
na ito mananatili ang kamay ni Yawe.
Slm
23:1-3a, 3b-4, 5, 6
Maninirahan ako sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
Ikalawang
Pagbasa: Fil 4:12-14, 19-20
Nahaharap
ko ang karalitaan at ang kasaganaan; handa ako sa lahat ng bagay; sanay
ako sa kabusugan at gutom, sa pagsasawa at kakulangan. Kaya ko ang lahat
sa tulong ng nagpapalakas sa akin. Gayunman, mabuti ang ginawa ninyo sa
pakikibahagi sa aking kapighatian.
Kaya bibigyang-kasiyahan kayo ng aking Diyos sa lahat ng inyong kailangan,
ayon sa kanyang kayamanan, nang buong kagandahang-loob, kay Kristo Jesus.
Luwalhatiin ang Diyos na ating Ama magpakailanman! Amen.
Ebanghelyo:
Mt 22:1-14
Muling nagsalita si Jesus sa pamamagitan ng mga talinhaga:
"Tungkol sa nangyayari sa kaharian ng Langit ang kuwentong ito: May
haring naghanda sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Ipinatawag niya sa
mga katulong ang mga imbitado sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo.
"Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong para sabihin sa
mga inanyayahan sa kasalan: 'Naghanda ako ng pagkain, nagpatay ng mga
toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo
sa kasalan.' Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may
pumunta sa kanyang taniman, at sa kanyang negosyo naman ang isa pa. Si-nunggaban
naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay.
"Lubhang nagalit ang hari kayat ipinadala niya ang kanyang hukbo
para puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang lunsod. At sinabi niya
sa kanyang mga katulong: 'Handa na ang kasalan ngunit hindi karapat-dapat
ang mga inanyayahan. Pumunta kayo ngayon sa dulo ng lunsod at anyayahan
sa kasalan ang bawat makita ninyo.'
"Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang
lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag.
"Pagkatapos ay dumating ang hari para tingnan kung sino ang mga nasa
hapag at napansin niya ang isang lalaking hindi nakadamit-pampiyesta.
Kaya sinabi niya sa kanya: 'Kaibigan, paano ka nakapasok nang walang damit
pangkasal?' Ngunit hindi umimik ang tao. Kaya sinabi ng hari sa kanyang
mga katulong: 'Igapos ang kanyang mga kamay at paa, at itapon sa dilim,
kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.'
"Marami ngang talaga ang tinawag pero kaunti ang pinili."
Pagninilay-nilay
Kasal. Sa pag-iisandibdib ng dalawang taong nagmamahalan, ipinangangako
nila ang pag-aalay ng sarili at pananatili nilang tapat sa isa't isa.
Sa kanilang pag-aasawa, nagiging bahagi ng buhay ng bawat isa ang kanyang
kabiyak tungo sa pagsisimula nila ng kanilang pamilya.
Kasal din ang malimit na ginagamit sa Biblia para ilarawan ang relasyon
ng Diyos at ng kanyang bayan. At sa kabila ng katapatan ng Diyos, naging
taksil naman at salawahan ang kanyang bayan. Kasal din ang talinhagang
ginagamit ni Jesus para ilarawan ang Kaharian ng Diyos. Sa kasalang iyon,
lubos na ibinubunyag ng Diyos ang alok niyang buhay at pag-ibig sa tao.
balik
calendario
Oktubre
13
Lunes
Ika-28
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Gal 4:22-24, 26-27, 31-5:1
Ebanghelyo: Lc 11:29-32
Nang dumadagsa na ang mga tao, nag-simulang magsalita si Jesus: "Masamang
lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan pero walang ibang palatandaang
ibibigay rito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan
si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para
sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog
kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating
siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni
Solomon at dito'y may mas dakila pa kay Solomon. Sa paghuhukom, babangon
ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila
ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito'y may mas
dakila pa kay Jonas."
Pagninilay-nilay
Mga taong hindi kabilang sa bayan ng Israel ang tinutukoy at pinupuri
ni Jesus sa kanyang mga salita. Umalis sa sariling bayan ang Reyna ng
Timog at nagpunta sa Israel para marinig ang karunungan ni Solomon. Sa
simula'y ayaw magpunta ni Jonas sa Ninive para ipangaral sa mga tagaroon,
na hindi naman niya mga kababayan, ang magbabalik-loob sa Panginoon. Gayundin
naman sa atin ngayon, huwag nating isipin na sapat na maging Katoliko
para maligtas; wala sa pangalan ang pagiging alagad ng Panginoon. Regalo
sa atin ng Diyos ang makilala siya at sumunod sa kanya ngunit sa pagtanggap
natin sa kaloob niyang ito, kailangan nating isabuhay ang ating pananampalataya.
Oktubre
14
Martes
Ika-28
na Linggo ng Taon
Calixto I
Unang
Pagbasa: Gal 5:1-6
Ebanghelyo: Lc 11:37-41
Matapos magsalita si Jesus, may Pariseong nag-anyaya sa kanyang kumain
sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. At nagtaka ang Pariseo
nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. Ngunit sinabi
sa kanya ng Panginoon: "Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin
ang labas ng mga baso't pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasakiman at
kasamaan ang inyong loob! Mga hangal! Di ba't ang maygawa ng labas ang
siya ring maygawa ng loob? Pero naglilimos lamang kayo at sa akala ninyo'y
malinis na ang lahat."
Pagninilay-nilay
Manang ng simbahan si Sister Lucy. Bukod sa siya ang namamahala sa
pagdedekorasyon ng simbahan kung may malaking pagdiriwang, miyembro pa
rin siya ng iba't ibang samahan. Kung ilang beses na rin siyang nahahalal
na presidente ng ilang samahan. At wala naman siyang anumang hinihingi
para sa kanyang paglilingkod dahil para sa kanya, sapat na ang siya'y
makapagsilbi sa Panginoon. Ngunit kung gaano naman siya kabait sa simbahan,
ganoon naman siya kasungit pagdating sa bahay. Reyna siya ng taray lalo
na sa kanyang mga katulong, na hindi naman makaalis sa pagsisilbi sa kanya
dahil marami pang utang kay Sister Lucy ang kanilang mga magulang.
balik
calendario
Oktubre
15
Miyerkules
Ika-28
na Linggo ng Taon
Teresa ni Jesus
Unang
Pagbasa: Gal
5:18-25
Ebanghelyo:
Lc 11:42-46
Sinabi ni Jesus, "Sawimpalad kayong mga Pariseo! Nagbabayad nga kayo
ng ikapu ng yerbabuena at ng ruda at ng lahat ng gulay, at pinababayaan
naman ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Ito nga ang dapat
gawin nang di kinaliligtaan ang mga iyon. Sawimpalad kayong mga Pariseo!
Gusto ninyong mabigyan ng pangunahing upuan sa mga sinagoga at mabati
sa mga liwasan. Sawimpalad kayo, na parang mga nakatagong libingan, na
inaapakan ng mga tao at di man lang nila namamalayan."
Nagsalita ang isang guro ng Batas: "Guro, iniinsulto mo rin kami
sa pagsasabi mo ng mga ito." At sinabi ni Jesus: "Sawimpalad
din kayong mga guro ng Batas! Ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga napakabibigat
na pasanin, ngunit ni isang daliri ay ayaw ninyong igalaw para tulungan
sila."
Pagninilay-nilay
Libreng regalo sa atin ng Diyos ang pananampalataya. Tinawag tayo ng
Diyos at ibinigay niya sa atin ang regalong ito ng kaligtasan at wala
siya hinihinging anumang kapalit. Ngunit hindi tayo makapaniwala sa kagandahang-loob
na ito ng Diyos. Paano tayo maliligtas nang walang anumang ginagawa? Paano
tayo mapapatawad ng Diyos sa marami nating pagkakasala kung wala siyang
hinihingi sa atin? Kaya tayo mismo ang naglalagay ng kung anu-anong kundisyon
sa ating mga sarili na hindi naman hinihingi ng Diyos sa atin ngunit ginagawa
natin iyon dahil kailangan nating madama na meron nga tayong ginawa. Tandaan
natin: hindi gawa ng tao ang pagliligtas kundi regalo ito ng Diyos.
Oktubre
16
Huwebes
Ika-28
na Linggo ng Taon
Hedwig at Margarita Maria Alacoque
Unang
Pagbasa: Ef 1:1-10
Ebanghelyo: Lc 11:47-54
Sinabi ni
Jesus, "Sawimpalad kayong nagta-tayo ng mga puntod sa mga propetang
pinatay ng inyong mga ama. Sa gayon ninyo inaamin at sinasang-ayunan ang
mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang mga propeta, at makapagtatayo
na kayo ngayon.
"(Sinabi rin ng Karunungan ng Diyos:) Nag-susugo ako sa kanila ng
mga propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa
kanila. Kayat papapanagutin ang salinlahing ito sa dugo ng lahat ng propeta,
sa dugong nabuhos mula pa sa pagkatatag ng mundo, mula sa dugo ni Abel
hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng santuwaryo.
Oo, sinasabi ko sa inyo, papapanagutin ang salinlahing ito.
"Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman.
Hindi na kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga makapapasok."
Pagkatapos ay umalis si Jesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas
at mga Pariseo na mahigpit na makipagtalo sa kanya. Pinapagsalita nila
siya tungkol sa maraming bagay at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi
niya.
Pagninilay-nilay
Pinag-aralan natin sa elementarya hanggang hayskul, at pati na sa kolehiyo,
ang talambuhay ng ating mga bayani. Marami rin sa atin ang nakiisa, kung
hindi man talagang kasama, sa People Power 1 at 2, pero sa kabila ng lahat
ng kabayanihang alam natin at naranasan din natin mismo bilang sambayanan,
nananatiling kulang sa pagpapakabayani ang sambayanang Pilipino.
Hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapakamartir para sa kalayaan tulad
nina Rizal, Bonifacio at Gregorio del Pilar ang pagiging bayani. Nasa
paninindigan at katapatan sa ating mga tungkulin sa buhay sa araw-araw
ang tunay na kabayanihan.
Oktubre
17
Biyernes
Ika-28
na Linggo ng Taon
Ignacio ng Antioquia
Unang
Pagbasa: Ef 1:11-14
Ebanghelyo: Lc 12:1-7
Nang magkatipon
ang libu-libong tao hang-gang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin
ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Mag-ingat muna kayo sa lebadura
ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari.
"Walang tinatakpan na di mabubunyag, wa-lang natatago na di malalaman.
Kaya naman ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong
ninyo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag.
"Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong
katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. Ituturo
ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may
kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno.
Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang katakutan ninyo. Di ba't ipinagbibili
nang dalawang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila'y di nalilimutan
ng Diyos. Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag kayong
matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya."
Pagninilay-nilay
Humigit-kumulang sa 100,000 hanggang 150,000 buhok meron tayo sa ating
ulo. Inaalagaan natin ang ating buhok: sinasyampu, kinukondisyuner, at
ginagamitan natin ng kung anu-ano pang mga pampaganda sa buhok. Kinukulayan
din ng ilan sa atin ang kanilang buhok kaya may pula, brown, at meron
pang dilaw, berde at asul. Bukod dito, regular din tayong pumupunta sa
barbero o parlor para magpagupit at magpaayos ng ating buhok. Pagharap
natin sa salamin, nakikita natin na maganda kung may buhok tayo (para
naman sa iba, mas maganda ang tingin nila sa sarili kung wala silang buhok).
At bilang na lahat ng Diyos ang buhok sa ating ulo
Oktubre
18
Sabado
Ika-28
na Linggo ng Taon
Lucas
Unang
Pagbasa: 2 Tim 4:10-17b
Ebanghelyo: Lc 10:1-9
Humirang
ang Panginoon ng iba pang pitumpu't dalawa at isinugo silang dala-dalawa
na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi
niya sa kanila: "Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga
manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga
manggagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang
mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka,
bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
"Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: 'Mapasatahanang
ito ang kapayapaan!' Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong
kapayapaan. Kung hindi'y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay
na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may
karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapapalit-palit
ng bahay.
Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang
ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo
sa kanila: 'Palapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos.'"
Pagninilay-nilay
Parehong maghapong nagtatrabaho ang mag-asawang Joe at Nena
habang pumapasok naman sa eskuwela ang dalawa nilang anak. Pero pagkatapos
ng trabaho ni Joe, sinusundo niya si Nena sa opisinang pinagtatrabahuhan
nito para sabay nilang sunduin ang dalawa nilang anak. Pupunta sila sa
isang restawran para maghapunan, at kung minsa'y may baon nang hapunan
si Nena para sa sasakyan sila kumain. Ganoon ang malimit na gawa ng buo
nilang mag-anak dahil may parokya silang pinupuntahan para magturo at
magpahayag ng Salita ng Diyos. Kapwa nagtuturo ang mag-asawang Joe at
Nena habang ang dalawa nilang anak ang nagtuturo ng mga kanta kasabay
ng kanilang paggitara.
Oktubre
19
Linggo
Ika-29
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Is 45:1, 4-6
Ito ang
sabi ni Yawe sa kanyang pinahiran, kay Ciro:
"Hinawakan kita sa kanang kamay
upang lupigin ang mga bansa sa harap mo
at alisan ng sandata ang mga hari;
bubukas sa harap mo ang mga pintuan ng mga lunsod
at hindi na isasarang muli ang mga iyon.
Alang-alang kay Jacob na aking lingkod,
kay Israel na aking hinirang,
tinawag kita sa iyong pangalan
at binigyan ng tungkulin bagamat di mo ako nakikilala.
Ako si Yawe, at wala nang iba pa,
wala nang ibang diyos liban sa akin,
Sinandatahan kita noong di mo pa ako kilala upang mula sa pagsikat ng
araw
hanggang sa paglubog ay malaman ng lahat
na wala nang iba pa liban sa akin-
ako si Yawe at wala nang iba pa.
Slm
96:1, 3, 4-5, 7-8, 9-10
Purihin at ipagdangal ang Panginoon.
Ikalawang
Pagbasa: 1 Tes 1:1-5b
Mula kina
Pablo, Silvano at Timo-teo para sa Iglesya ng mga taga-Tesalonika na nasa
Diyos Ama at na kay Kristo Jesus.
Sumainyo nawa ang kapayapaan at kagan-dahang-loob ng Diyos.
Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at inaalaala namin kayo
sa aming mga panalangin. Palagi naming naaalaala sa harap ng Diyos na
ating Ama ang trabaho ng inyong pananampalataya, ang gawa ng inyong pagmamahal
at ang inyong katatagan sa paghihintay kay Kristo Jesus na ating Panginoon.
Naaalaala namin, mga kapatid na mahal ng Diyos, kung paano kayo hinirang.
Hindi nga sa salita lamang ang pag-eebanghelyo namin sa inyo, kundi sa
kapangyarihan, nang may banal na espiritu at marami pang ibang ibinigay
sa inyo. Alam din ninyo kung paano namin kayo pinakitunguhan alang-alang
na rin sa inyo.
Ebanghelyo:
Mt 22:15-21
Umurong ang mga Pariseo at nagpulong kung paano nila huhulihin si Jesus
sa sarili niyang mga salita. Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad
kasama ng mga kampi kay Herodes.
Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at
tunay na nagtuturo ng daan ng Diyos; hindi ka napadadala sa iba at nagsasalita
hindi ayon sa kalagayan ng tao. Kaya ano ang palagay mo: ayon ba sa Batas
na magbayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba tayong magbayad sa kanya o hindi?"
Alam naman ni Jesus ang masama ni-lang pakay, at sinabi niya sa kanila:
"Mga mapagkunwari! Bakit ninyo ako sinusubukan? Ipakita ninyo sa
akin ang perang pambuwis."
Ipinakita nila ang isang denaryo, at sinabi sa kanila ni Jesus: "Sino
ang nakalarawan dito, na narito rin ang kanyang pangalan?" Sumagot
sila: "Ang Cesar." At sinabi niya sa kanila: "Kung gayon,
ibigay sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos."
Pagninilay-nilay
Tanong. Nagtatanong tayo kung meron tayong hindi alam kayat naghahanap
tayo ng makasasagot sa ating tanong. Tanda ng kapakumbabaan ang pagtatanong
dahil inaamin natin na may mga bagay na hindi natin alam at kailangan
tayong humingi ng tulong sa ating kapwa para malaman ito.
Ngunit may pagtatanong na sa totoo'y hindi sagot ang hinahanap dahil alam
na ng nagtatanong ang sagot sa kanyang tanong. Sa halip na kapakumbabaan,
pagmamataas ang pinatutunayan ng ganitong tanong dahil ito ang kinakasangkapan
ng nagtatanong para ipakitang tama ang alam niyang sagot at mali ang sa
tinatanong.
balik
calendario
Oktubre
20
Lunes
Ika-29
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 2:1-10
Ebanghelyo: Lc 12:13-21
Sinabi kay Jesus ng isa sa karamihan, "Guro, sabihin mo nga sa aking
kapatid na hatian ako ng mana." Ngunit sinabi ni Jesus sa kanya:
"Kaibigan, sino ang nagtalaga sa akin bilang hukom o tagapaghati
ninyo?" At sinabi niya sa mga tao: "Mag-ingat kayo at iwasan
ang bawat uri ng kasakiman sapagkat magkaroon man ng marami ang tao, hindi
sa kanyang mga ari-arian nakasalalay ang kanyang buhay."
At idinagdag ni Jesus ang isang talinhaga: "May isang taong mayaman
na maraming tinubo sa kanyang lupain. Kaya nag-isip-isip siya: 'Ano ang
gagawin ko? Wala man lang akong mapagtipunan ng aking ani.' At sinabi
niya: 'Ito ang gagawin ko, gigibain ko ang aking mga bodega at magtatayo
ako ng mas malalaki; doon ko titipunin ang lahat kong trigo at ang iba
pa. At masasabi ko na sa aking sarili: Kaibigan, marami kang ari-ariang
nakalaan para sa maraming taon. Magpahinga ka, kumain, uminom at magsaya.'
"Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: 'Hangal! Sa gabi ring ito, babawiin
sa iyo ang iyong buhay. Mapapasakanino na ang iyong inihanda?'
"Gayon din ang masasabi sa sinumang nag-iimpok ng yaman para sa kanyang
sarili at walang tinutubo para sa Diyos."
Pagninilay-nilay
Basahin mong muli ang talinhaga ni Jesus at itanong ang mga sumusunod:
Ano ang masama sa ginawa ng mayaman? Masama ba ang magtayo ng bagong bodega
para sa masagana niyang ani? Pansinin na hindi sinasabing sa paggawa ng
masama kaya siya yumaman. Hindi siya negosyante kundi magsasaka at marami
siyang inani sa kanyang lupain bunga ng kanyang sipag at tiyaga.
Wala namang masama na ienjoy mo ang bunga ng iyong pinagpaguran, di ba?
Bakit sinasabi ni Jesus na hangal ang mayamang ito? Bakit niya sinasabing
walang tinutubo ang mayaman para sa Diyos?
Paano ka may tutubuin para sa Diyos?
balik
calendario
Oktubre
21
Martes
Ika-29
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 2:12-22
Ebanghelyo: Lc 12:35-38
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Maghintay kayong bihis at
handang maglingkod, na may nakasinding mga lampara. Maging tulad kayo
ng mga taong naghihintay sa kanilang panginoon. Pauwi siya mula sa kasalan
at agad nilang mabubuksan ang pinto pag dating niya at pag katok. Mapalad
ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating
niya. Maniwala kayo sa akin, isusuot niya ang damit pantrabaho at pauupuin
sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. Dumating man siya sa hatinggabi
o sa madaling-araw at matagpuan niya silang ganito, mapalad ang mga iyon!"
Pagninilay-nilay
Hindi ang mga utusan ang maglilingkod sa panginoon kundi sila ang pagsisilbihan
ng kanilang panginoon kung madaratnan niya silang nakabihis, handang maglingkod
at may hawak na mga ilawan.
Walang sinuman sa atin ang nakaaalam kung kailan darating ang Diyos sa
ating buhay. Wala ring may alam kung kailan tayo darating sa piling ng
Diyos. Isa lang ang natitiyak natin-talagang darating ang oras na iyon.
Hindi natin maaaring ipagpabukas na lamang lagi ang pagbabalik-loob at
paglilingkod sa Diyos. Sa halip na "saka na lang muna," pag-aralan
nating sabihin, "Oo, ngayon na" dahil dito at ngayon nagsisimula
ang pagliligtas ng Diyos.
balik
calendario
Oktubre
22
Miyerkules
Ika-29
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 3:2-12
Ebanghelyo:
Lc 12:39-48
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Isipin ninyo ito: kung nalaman
lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw,
hindi sana niya pababayaang looban ang kanyang bahay. Kaya maging handa
kayo sapagkat dumarating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaakala."
Sinabi ni Pedro: "Panginoon, kanino mo ba sinasabi ang talinhagang
ito, sa amin o sa lahat?" Sumagot ang Panginoon: "Isipin ninyo
ito: may tapat at matalinong katiwala na pangangasiwain ng panginoon sa
kanyang mga tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. Kung sa
pagdating ng kanyang panginoon ay matagpuan siya nitong tumutupad nang
gayon, mapalad ang lingkod na iyon. Talagang sinasabi ko sa inyo, pangangasiwain
siya nito sa lahat nitong ari-arian. Ngunit maaari namang maisip ng lingkod
na iyon: 'Matatagalan pang dumating ang panginoon ko' at simulang pagmalupitan
ang mga utusang lalaki at babae, at kumain, uminom at maglasing. Ngunit
darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na di niya inaasahan
at sa oras na di niya nalalaman. Palalayasin niya ang katulong na ito
at pakikitunguhang gaya ng mga di-tapat.
"Maraming hampas ang tatanggapin ng katulong na nakaaalam sa kalooban
ng kanyang panginoon pero hindi naghanda ni sumunod sa kalooban niya.
Kaunti lang naman ang tatanggapin ng walang nalalaman sa kalooban niya
ngunit gumawa ng mga bagay na dapat parusahan. Hihingan nga ng marami
ang binigyan ng marami at hihingan nang higit ang pinagkatiwalaan nang
higit."
Pagninilay-nilay
Sa aking pagtuturo ng Ingles, natutuhan ko na pakikinig at pagbibigay-kapangyarihan
sa mga estudyante ang kahulugan ng pagtuturo. Kaya sa aking klase, ang
mga mag-aaral mismo ang nagpaplano ng kanilang klase dahil sila mismo
ang natututo at hindi ang guro. Sila ang responsable sa kanilang pagkatuto
at gabay lamang ako para samahan at patnubayan sila sa prosesong ito ng
pagkatuto. Sila rin ang namamahala sa pang-araw-araw na takbo ng kanilang
klase, at ako'y nasa tabi bilang "dalubhasang" puwedeng nilang
konsultahin kung kailangan nila ng tulong. Ang kanilang mga pag-uusap
at paggawa ang mabisang paraan para matuto sila ng Ingles.
balik
calendario
Oktubre
23
Huwebes
Ika-29
na Linggo ng Taon
Juan ng Capistrano
Unang
Pagbasa: Ef 3:14-21
Ebanghelyo: Lc 12:49-53
Sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad, "Dumating ako upang maghagis ng apoy
sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na sana ito!
Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na lamang ang
pagkabalisa ko hanggang di ito nagaganap! Akala ba ninyo'y dumating ako
para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi
paghihiwa-hiwalay! Sapagkat mula ngayo'y magkakahati-hati ang limang nasa
isang sambahayan, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo; magkakahati-hati
sila: ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina
laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban
sa kanyang manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenang babae."
Pagninilay-nilay
Apoy ng maalab na pag-ibig ng Diyos ang agad nating naiisip pag nababasa
natin o naririnig ang salitang "apoy." Madali rin natin itong
iniuugnay sa parang dilang apoy na bumaba sa mga apostol sa pagpanaog
ng Espiritu Santo. Kayat naiisip natin na pag-aalab ng damdamin para sa
pagmamahal at paglilingkod sa Diyos ang hatid ng apoy.
Bukod sa init na hatid nito, tinutupok din ng apoy ang anuman. Nilalamon
ng apoy ang lahat sa lagablab nito. Ito ang apoy na hatid ni Jesus sa
ating buhay. Tinutupok, dinadalisay ng apoy, ang lahat sa ating buhay,
na nagiging hadlang sa ganap nating pagsasadiyos.
balik
calendario
Oktubre
24
Biyernes
Ika-29
na Linggo ng Taon
Antonio Maria Claret
Unang
Pagbasa: Ef 4:1-6
Ebanghelyo: Lc 12:54-59
Sinabi ni
Jesus sa mga tao: "Kapag nakita ninyong tumataas ang ulap sa kanluran,
ka-agad ninyong sinasabi, 'Uulan,' at ganoon nga ang nangyayari. At kung
umiihip naman ang hangin galing timog, sinasabi ninyong 'Magiging napakainit,'
at nangyayari nga ito. Mga mapagkunwari! Nabibigyan ninyo ng kahulugan
ang anyo ng lupa at langit pero bakit hindi ninyo sinusuri kung ano ang
panahong ito?
"At bakit hindi kayo mismo ang makapagpasya kung ano ang tama? Sa
pagpunta mo sa maykapangyarihan kasama ng kalaban mo, sikapin mong makipag-areglo
sa kanya sa daan; baka iharap ka sa hukom, at ibigay ka naman ng hukom
sa pulis para ipakulong sa bilangguan. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas
doon hanggang hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo."
Pagninilay-nilay
Kasa-kasama ng kanyang ama si San Antonio Claret sa kanilang negosyo
na paghahabi ng tela. Magaling siya hindi lamang sa pagnenegosyo kundi
pati sa pagdidisenyo ng tela. Ngunit sa lahat ng ito, nakita niya kung
ano ang kailangan sa kanyang panahon. Iniwan niya ang kanyang negosyo
at nagpari, at dahil nakita niya na kailangan ang mga misyonero, nagsimula
siyang magmisyon sa Espanya. At kasama ng lima pang pari, itinatag nila
ang Konggregasyon ng mga Misyonerong Anak ng Kalinis-linisang Puso ni
Maria, na kilala ngayong bilang mga Misyonerong Claretiano. Tulad ni San
Antonio maging mulat din tayo sa mga tanda ng ating panahon ngayon.
balik
calendario
Oktubre
25
Sabado
Ika-29
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 4:7-16
Ebanghelyo: Lc 13:1-9
Dumating
naman ang ilang tao na nagbalita kay Jesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay
nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga
handog nila.
Sinabi ni Jesus sa kanila: "Akala ba ninyo'y mas makasalanan ang
mga taga-Galileang iyon kaysa lahat ng taga-Galilea dahil sila ang nagdusa?
Hindi. At sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak
din kayong lahat.
"Gayon din naman sa namatay na labingwalong taong nabagsakan ng tore
sa Siloe, sa akala ba ninyo'y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat
ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko: hindi, pero kung hindi kayo
magbabago, mapapahamak din kayong lahat."
At sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: "May taong may isang puno
ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta siya para maghanap ng mga bunga
pero wala siyang nakita. Kaya sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan: 'Tatlong
taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na
iyan at wala akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa.'
Ngunit sumagot sa kanya ang tauhan: 'Ginoo, pabayaan mo na siya ngayong
taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. Baka sakaling
mamunga siya ngunit kung hindi'y saka mo siya putulin."
Pagninilay-nilay
Hindi pa rin nawawala ang paniwala ng marami na pinaparusahan daw ng
Diyos ang sinumang naghihirap sa buhay. Iniisip din nila na baka raw may
kung anong panata sa Diyos na hindi nila tinupad kaya sila namomroblema
sa buhay. Diyos ng kaparusahan pa rin ang tingin nila sa Diyos at hindi
Amang mapagmahal at puspos ng pagmamagandang-loob.
Matiyaga tayong hinihintay ng Diyos at inaasahang mamumunga ayon sa kanyang
kalooban. Sa halip na parusa, pag-aaruga at pag-unawa ang ibinibigay niya
sa atin. Makita nawa natin ang alok na ito sa atin ng Diyos upang matanggap
at mapakinabangan sa ating buhay.
balik
calendario
Oktubre
26
Linggo
Ika-30
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ex 22:20-26
Huwag mong
pahirapan o apihin ang dayuhan sapagkat kayo man ay naging dayuhan din
sa lupain ng Ehipto.
Huwag ninyong apihin ang biyuda o ulila. Sakaling apihin mo sila at dumaing
sa akin, tiyak na pakikinggan ko sila, at mag-aapoy ang aking poot at
papatayin kita sa tabak, at mabibiyuda rin ang iyong asawa at mauulila
naman ang iyong mga anak.
Kung nagpautang ka ng pera sa aking bayan, sa dukhang kasama mo, huwag
kang maging gaya ng usurero-huwag mo siyang patawan ng tubo.
Kung may inilit kang balabal, ibalik mo iyon paglubog ng araw, sapagkat
iyon lamang ang pantakip niya sa kanyang katawan. Ano pa ang kanyang tutulugan?
At kapag dumaing siya sa akin, pakikinggan ko siya sapagkat ako ay maawain.
Slm
18:2-3, 3-4, 47, 51
Iniibig kita, O Panginoong aking lakas.
Ikalawang
Pagbasa: 1 Tes 1:5c-10
Hindi nga
sa salita lamang ang pag-eebanghelyo namin sa inyo, kundi sa kapangyarihan,
nang may banal na espiritu at marami pang ibang ibinigay sa inyo. Alam
din ninyo kung paano namin kayo pinakitunguhan alang-alang na rin sa inyo.
At tinularan naman ninyo kami at ang Panginoon; pagkatanggap nga ninyo
sa salita, nagtiis kayo ng pag-uusig nang may ligaya ng Espiritu Santo.
At naging huwaran kayo para sa mga mananampalatayang nasa Macedonia at
Acaya; sa inyo nagmula ang salita ng Panginoon sa Macedonia at Acaya,
at sa ibayo pang mga lugar.
Lumaganap sa maraming lugar ang inyong pananampalataya sa Diyos at hindi
na namin kailangang banggitin pa ito. Sila mismo ang nagsasabi kung paano
ninyo kami tinanggap at kung paano ninyo tinalikuran ang mga diyus-diyusan
para sa Panginoon. Pinaglilingkuran na nga ninyo ang buhay at tunay na
Diyos, at hinihintay magbalik mula sa langit ang muli niyang binuhay na
Anak-si Jesus na nagpalaya sa atin mula sa nakaambang kaparusahan.
Ebanghelyo:
Mt 22:34-40
Narinig ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Sadduseo, at sumang-ayon
sila sa kanya. Kaya sinubukan siya ng isa sa kanila na isang guro ng Batas
sa tanong na ito: "Guro, ano ang pinakamahalagang utos ng Batas?"
Sumagot si Jesus: "Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong
puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip. Ito ang una at
pinakamahalagang utos. Ngunit may ikalawa pa na tulad nito: Mahalin mo
ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nabubuod
ang buong Batas at Mga Propeta."
Pagninilay-nilay
Dayo. Hindi katutubo kundi galing sa ibang lugar ang sinumang dayo.
Iba siya sa mga taal na tagaroon kayat mas mahirap ang kalagayan niya
sa buhay.
Alam ng marami sa atin kung gaano kahirap maging dayuhan sa ibang bayan.
Milyong OFW ang nandarayuhan sa iba't ibang bansa sa buong mundo at patuloy
na nagtitiis sa pagkawalay nila sa kanilang mga mahal sa buhay.
Dumayo rin sa ating mundo ang Diyos nang magpakatao si Jesus at nakipamayan
sa piling natin. Tulad ng mga OFW, nagtiis din siya ng pangungulila. At
sa pagdayo niya sa piling natin, iniwan niya sa atin ang dakilang aral
ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.
balik
calendario
Oktubre
27
Lunes
Ika-30
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 4:32-5:8
Ebanghelyo: Lc 13:10-17
Nagtuturo si Jesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, at may isang
babae roon. Labingwalong taon na siyang may espiritung nagbibigay-sakit;
nagkakakandakuba na siya at di makatingala. Pagkakita sa kanya ni Jesus,
tinawag siya nito at sinabi: "Babae, lumaya ka sa iyong sakit."
Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang
babae at nagpuri sa Diyos.
Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nag-pagaling si Jesus sa Araw ng
Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: "May anim na araw para magtrabaho
kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw
ng Pahinga!"
Sinagot siya ng Panginoon: "Mga mapagkunwari, hindi ba kinakalagan
ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa
Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? At isang babae naman ang
narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas.
Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?"
Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman
ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang ginagawa ni Jesus.
Pagninilay-nilay
Nilikha ang tao para makatayo tayo nang tuwid-ganito ang likas na kalagayan
ni Adan sa Eden. Ngunit sa pagkakasala ng tao, nagiging baluktot siya.
Pinapaging kuba siya ng kasalanang kusa niyang pinipiling pasanin. Sa
pagdating ni Jesus, hangad niyang palayain ang tao sa mabigat niyang pasanin
upang makatayo siyang muli ng tuwid.
Sa pagpapakatao ni Jesus, ibinabalik sa atin ang likas na dangal natin
bilang mga taong malaya, marangal at makatatayo nang tuwid sa sarili nating
mga paa. Ngunit marami pa rin hanggang ngayon ang sumasalungat dito dahil
ayaw nilang mawalan ng kapangyarihan at pribilehiyo.
balik
calendario
Oktubre
28
Martes
Ika-30
na Linggo ng Taon
Simon at Judas, mga Apostol
Unang
Pagbasa: Ef 2:19-22
Ebanghelyo: Lc 6:12-16
Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas
ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag-umaga na, tinawag niya ang
kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag
niyang apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid
nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas,
si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, si Judas na
kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo.
Pagninilay-nilay
Basahin mo uli ang Ebanghelyo sa araw na ito at pagsapit sa bahaging
"si Judas na kamag-anak ni Jaime," isunod mo ang iyong pangalan
bago mo patuloy na basahin, "at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo.
Ulitin ang ganitong pagbasa.
Ano ang naramdaman mo? Mas malapit ka ba sa naunang labing-isang apostol
o sa huli? Tinatawag ka rin at pinili ng Panginoon hindi lamang para maniwala
at sumunod sa kanya kundi upang magpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan
ng gawa at salita. Hindi lamang ito pagsisimba kundi pamamahayag din ng
Mabuting Balita ng Panginoon sa ating kapwa.
balik
calendario
Oktubre
29
Miyerkules
Ika-30
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 6:1-9
Ebanghelyo:
Lc 13:22-30
Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nagangaral habang papunta
siya sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya: "Panginoon, kakaunti nga
ba ang maliligtas?" At sinabi ni Jesus sa mga tao: "Magpumilit
kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami
ang gustong pumasok at di makapapasok. Kapag tumindig na ang may-ari ng
bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing
'Panginoon, buksan mo kami.' Sasagot naman siya sa inyo: 'Hindi ko alam
kung tagasaan kayo.'
"Kaya sasabihin ninyo: 'Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at
sa aming mga lansangan ka nangaral.' Pero sasagutin niya kayo: 'Hindi
ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.'
Naroon ang iyakan at pagngangalit ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham,
Isaac, Jacob at sa lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan
naman kayo sa labas. At makikisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang mga
darating mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga. Oo, may mga huli
ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli."
Pagninilay-nilay
Hindi sinasagot ni Jesus ang tanong kung marami ba o kakaunti lamang
ang maliligtas. Nasa mga taong inaalok ng Diyos kung tatanggapin nila
ang pagliligtas ng Diyos o hindi. Una niyang inialok ito sa bayang Israel
ngunit sa kanilang pagtanggi, marami mula sa silangan, kanluran, timog
at hilaga ang dumating at sila ang nagpaunlak sa kanyang paanyaya-ito
ang Simbahan.
Ngayong nasa Simbahan tayo, na bagong sambayanan ng Diyos, huwag sanang
mangyari na hanggang sa pangalan lamang ang ating pagsasadiyos. Kung magkakagayon,
tiyak na may ibang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga
upang sila ang pumasok at makisalo sa Kaharian ng Diyos.
balik
calendario
Oktubre
30
Huwebes
Ika-30
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Ef 6:10-20
Ebanghelyo: Lc 13:31-35
Nang sandaling
iyo'y dumating ang ilang Pariseo at binalaan siya: "Umalis ka rito
at pumunta sa ibang lugar. Gusto kang ipapatay ni Herodes." Sinabi
naman ni Jesus: "Puntahan ninyo ang musang na 'yon at sabihin sa
kanya: 'Ngayon at bukas ay nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling
at nasa ikatlong araw ang katapusan ko.' Subalit dapat akong maglakad
ngayon, bukas at sa susunod na araw sapagkat hindi bagay na mamatay sa
labas ng Jerusalem ang isang propeta.
"Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang
mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ginustong tipunin ang iyong mga
anak gaya ng pagyupyop ng inahin sa kanyang mga sisiw pero tumanggi ka
nga. Ngayon, iiwanan ang inyong Bahay. Sinasabi ko nga sa inyo na hindi
na ninyo ako makikita hanggang di sumasapit ang panahon na sabihin ninyo:
Mapalad ang dumarating sa ngalan ng Panginoon."
Pagninilay-nilay
Sa unang sandaang taon ng pamayanang Kristiyano, marami sa mga alagad
ang nag-alay ng kanilang buhay para sa pananampalataya. Sa halip na matakot
sa harap ng kamatayan, buong tapang nilang ipinagtanggol at ipinaliwanag
ang kanilang paniniwala sa harap ng mga nasa kapangyarihan. Pinakiusapan
pa ng ilan ang ibang mga Kristiyano na huwag nilang hadlangan ang nalalapit
nilang kamatayan dahil inialay na nila ang kanilang sarili tulad ng tinapay
sa komunyon.
Panginoon, tapos na ang panahon ng pagpapakamartir sa gitna ng mga leon
at mababangis na hayop ngunit bilang mga tagasunod mo, bigyan mo kami
ng tatag at lakas ng loob na makapagpatotoo sa iyo.
balik
calendario
Oktubre
31
Biyernes
Ika-30
na Linggo ng Taon
Unang
Pagbasa: Fil 1:1-11
Ebanghelyo: Lc 14:1-6
Isang Araw
ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para
kumain, at minamanmanan naman nila siya. Nasa harap niya roon ang isang
taong minamanas kaya nagtanong si Jesus sa mga guro ng Batas at mga Pariseo:
"Puwede bang magpagaling sa Araw ng Pahinga o hindi?" Hindi
sila umimik kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka
pinauwi.
Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila: "Kung mahulog sa balon ang anak
o ang baka ng isa sa inyo, di ba't agad niya itong iniaahon kahit na Araw
ng Pahinga?" At hindi nila siya nasagot.
Pagninilay-nilay
Panginoon, ang kabutihan at kapakanan ng tao ang mahalaga sa iyo. Ito
ang tunay na dahilan ng anumang kautusan. Wala sa pagsunod sa mga utos
ang aming kaligtasan kundi nasa pagmamalasakit at pagmamahal sa aming
kapwa.
Ano ang silbi ng aming pagtupad maging sa pinakamaliit na batas kung wala
namang lugar sa aming mga puso para sa pinakamaliit at pinakaaba?
Turuan mo kami, Panginoon, na huwag paalipin sa mga batas at kautusan.
Makita nawa namin sa totoo'y daan ang mga ito upang mamuhay kami nang
malaya. Akayin mo kami sa daan ng pagpapakatao at pakikipagkapwa na siyang
daan papunta sa Ama.
balik
calendario
Copyright
© 2008 by Claretian Publications
A division of Claretian Communications Foundation, Inc.
U.P. P.O. Box 4 Diliman, 1101 Quezon City, Philippines
Tel. (632) 921-3984 Fax: (632) 921-7429 or 921-6205
Email: cci@claret.org
|